Sunday, March 22, 2009

Koreanovela

I. Big Panimula

A. Panukalang Pahayag
“Nagdulot ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino ang Taiwanese, Korean at Japanese Invasion sa industriya ng telebisyon sa Pilipinas sa taong 2002 hanggang sa kasalukuyan”
B. Introduksyon
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral ukol sa Taiwanese, Korean at Japanese invasion ay isasagawa upang malaman ang mga salik na nagdulot ng malaking epekto sa mamayang Pilipino sanhi ng phenomenal na pagsikat ng mga angkat na drama sa Asya ng ating bansa. Ang mga mananaliksik ay naglalayong masagot ang mga katanungang na ito:

1. Anu- ano ang mga sumikat ng Taiwanese, Korean at Japanese
asianovela sa taong 2002 hanggang sa kasalukuyan?
2. Ano ang dahilan ng mabilis na pagsikat ng Taiwanese, Korean at Japanese asianovelas sa bansang Pilipinas?
3. May pagkukulang ba ang industriya ng bansang Pilipinas sa pagpapalabas ng sariling epektibong palabas?
4. Nagkaroon ba ng mabuti o masamang epekto ang pagpapalabas
nito sa paraan ng pamumuhay ng tao?
5. Malaki ba ang bilang ng mga kabataan o matatanda na
tumatangkilik sa mga palabas na ito?
6. Maaari ba nating masabi na makabagong paraan na ito ng
pananakop? Nakakabawas ba ang panonood nito sa pagka-Pilipino ng mga mamamayan sa Pilipinas?

C. Rebyu/ Pag-aaral
ABC’s “Person of the Week”: American Values in Television News
by: Stephanie Greco and Martha Bailey

Nakasaad sa artikulong ito ang isang pag aaral sa isang palabas ng ABC World News Tonight na Person of the Week na kung saan ang palabas na ito ay naging sikat sa loob ng limang taon. Ang palabas na ito na nagtatampok sa mga ordinaryong tao at ikinukwento ang paraan ng kanilang pamumuhay sa loob ng isang lingo. Ang palabas na ito ay sumikat sa buong bansang Amerika. Ipinahayag sa artikulong ito ang pag aaral ukol sa napakahaba nitong kasikakatan. Napag alaman sa pag aaral na ito na mayroong tatlong aspetong naghihikayat sa mga manonood na patuloy na tangkilikin ang palabas na ito. Ayon sa kanila ang mga taong napiling gumanap, ang kwentong ipinapahahayag at ang mga aral na itinuturo nito sa mga manonood ang nagbibigay ng malaking epekto sa taglay nitong kasikatan. Ayon din sa kompanyang ABC madali daw itong pasikatin dahil sa taglay nitong ambag sa ekonomiya. Ang mga kwentong kanilang pinapalabas ay maari ring ihalintulad sa mga nangyayari sa tunay na buhay kaya ang mga manonood ay mas nahihikayat manood dahil para sa kanila ay nagkaroon sila ng kinatawan sa medya na nakakapag parating ng ibig nilang ipahiwatig sa mga tao. Nabibigyang pansin din sa kanilang mga palabas ang mga aral sa tunay na buhay na dapat nating isabuhay na ating nakakalimutan dahil sa modernisasyon.

D. Layunin
Layunin ng mga mananaliksik na maiparating ang mga Taiwanese, Korean at Japanese asianovelas na binigyang pansin ng mga mamamayang Pilipino sa taong 2002 hanggang sa kasalukuyan. Ipaparating din ng mga mananaliksik ang mga dahilan ng mabilis na pagsikat nito sa ating bansa at ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapalabas ng epektibong programa. Nais din nilang ipahayag sa mga tao ang mabubuti at masasamang naidudulot nito sa pagsubaybay sa mga ganitong uring palabas. Aalamin ng mga mananaliksik ang epekto nito sa ating pagka Pilipino at kung ang mga palabas na ito ay nagsisilbing makabagong instrumento sa pananakop ng mga dayuhan.

E. Halaga
Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil maipapakita nito ang naging epekto ng Taiwanese, Korean at Japanese Invasion sa industriya ng telebisyon sa ating bansa. Ilalahad din nito ang mga salik sa mabilis na pagsikat ng mga palabas na ito sa ating bansa. Maipaparating nito ang mga naging pagkukulang ng ating industriya sa pagpapalabas ng sariling epektibong palabas. Maipapakita rin dito kung anong edad mas epektibo ang mga ganitong uri ng palabas at higit sa lahat ay mapapatunayan nito na maaring maging makabagong paraan ng pananakop ang pagsikat ng mga palabas na ito.

F. Konseptuwal na Balangkas

Mahilig ang mga Pilipino sa panunuod ng telebisyon. Isa itong uri ng libangan o entertainment na madaling nakakaimpluwensya sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. Nang dumating ang asiannovelas-partikular na ang mga Taiwanese, Korean at Japanese drama sa bansa, sumikat at nakilala ang mga banyagang artista. Lumabas sila sa iba’t- ibang programa at patalastas. Nagdala sila ng iba’t- ibang produktong galing sa kani-kanilang bansa na nakaapekto naman sa kung anong uri ng fashion ang nauuso. Lalong sumigla ang bentahan ng mga angkat na produkto mula sa mga nasabing bansa. Pumatok at hinangaan ng mga Pilipino ang kanilang mga istilo at ginaya. Maging sa larangan ng musika na isa ring anyo ng entertainment ay nakaapekto rin ito. Natuto ang mga Pilipino na kumanta ng mga awiting nasusulat sa ibang wika. Nagkaroon pa nga ng pagkakataon na isinalin nila ang mga ito sa wikang Pilipino. At dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa mga ganitong uri ng programa, patuloy sa pagtaas ang tv ratings ng mga istasyong tinatangkilik ang mga dayuhang palabas.

G. Metodolohiya
Sa pangangalap ng datos, napili ng mga mananaliksik na magsaliksik sa mga aklat na may kinalaman sa mga sumikat na palabas ng ibang bansa. Sa paraang ito malalaman nila ang mga salik na nagbigay kontribusyon kung bakit ito sumikat. Magsasaliksik din sila sa internet upang makakuha ng mga larawang magpapatunay sa naging phenomenal na pagsikat ng mga Taiwanese, Korean at Japanese soap operas. Mag iinterview din sila ng mga kabataan at matatanda na mahilig manood ng asian novela upang malaman nila ang kanilang opinion tungkol dito. Magsasagawa din sila ng survey sa karamihan upang malaman nila ang dami ng tao na tumatangkilik pa sa ganitong uri ng palabas. Magtutungo din sila sa mga istasyon ng telebisyon upang makakuha ng impormasyon sa mga nakalap nilang datos sa mga naisagawa nilang reseach tulad nito na maaaring makatulong sa paglalahad nila ng kanilang datos. Ang mga mananaliksik ay manunuod din ng mga palabas na ito upang malaman nila ang dahil ng pagkagusto ng mga Pilipino dito.

H. Saklaw at Delimitasyon
Tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga naging sikat na Taiwanese, Korean at Japanese soap operas na ipinalabas sa Pilipinas noong taong 2004 hanggang sa kasalukuyan. Tatalakayin din ng mga mananaliksik ang mga kwentong nakapaloob dito upang malaman kung isa ito sa mga dahilan ng pagsikat nito. Ipapahayag din ng mga mananaliksik ang mga naging gawi o kilos ng mga Pilipino na tumangkilik sa mga palabas na ito upang malaman nila ang naging epekto nito sa mga sumubaybay. Magpapakita din sila ng mga larawan bilang patunay sa epektong ito.

I. Daloy ng Pag-aaral
Unang Kabanata:
Nakasaad dito ang mga katanungan na nais masagot ng mga mananaliksik na may kinalaman sa kanilang panukalang pahayag. Mababasa dito ang isang artikulo na nagpapaliwanag ng isang pag-aaral na kanilang ginawa sa isang programa ng ABC television na nagsasaad ng mga dahilan ng pagsikat nito. Sinasabi dito ang mga nais mangyari o magawa ng mga mananaliksik sa kanilang pananaliksik. Nakasaad dito ang maaring maitulong ng pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik sa tao. Pinapakita nito ang konseptuwal na balangkas na nagpapakita ng magkaka ugnay na konsepto. Sinasabi nito ang mga paraang pagdadaanan ng mga mananaliksik upang makapangalap ng datos at mabuo ang kanilang pananaliksik. Makikita rin dito kung hanggang saan lamang ang tatalakayin ng mga mananaliksik

Ikalawang Kabanata:
Nakasaad dito ang mga datos na nagpapatunay sa kanilang panukalang pahayag. Nagpapakita rin ito ng mga larawan at
resulta ng mga survey upang mas lalong masuportahan ang kanilang pinatutunayan.

Ikatlong Kabanata:
Mababasa dito ang mga pagsusuri ng mga nakalap na datos ng mga mananaliksik. Makikita rin dito ang buod ng kanilang pananaliksik at ang mga natutunan nila. Dito rin makikita ang mga mungkahi nila para sa kanilang mambabasa.

II. Big Panimula

A. Small Panimula
Ang pag-aaral na ito ay ukol sa epekto sa pamumuhay ng mga mamayang Pilipino ng Taiwanese, Korean at Japanese Invasion sa industriya ng telebisyon sa Pilipinas sa taong 2002 hanggang sa kasalukuyan. Ang Asianovela ay naging sikat sa mga Pilipino manonood simula ng phenomenal na pagsikat ng Taiwanese drama na Meteor Garden na nagkaroon ng 63.5 na ratings. Simula noon ay naging sunod sunod na ang pagdating ng mga palabas mula Taiwan, Japan at Korea dito sa Pilipinas. Nagbigay ito ng malaking epekto sa paraan ng panonood ng mga Pilipino na noong nagtagal ay nahanay na rin sa mga telenovela. Makalipas pa lamang ang ilang taon nagkaroon na ng malaking tagapagtangkilik ang mga palabas na ito sa ating bansa.
Asianovela ang tawag nila sa mga dramang ginawa sa mga asyanong bansa at isa na dito ang Pilipinas. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang “telenovela” na tumutukoy sa mga palabas na mula sa Espanya tulad ng Marimar. Sa pag-aaral na ito malalaman natin ang dahilan ng mabilis na pagsikat nito.

B. Small Katawan
Ang mga Taiwanese, Korean at Japanese soap operas o kung tawagin ay Asianovelas ay nagbibigay ng kakaiba, diretso at nakahuhumaling na kwento. Ang mga Pilipino ay madaling mauunawaan ang paksa ng Asianovela sa tradisyunal na paraan ng kanilang pagkukwento. Ang mga pangyayari sa araw-araw nating pamumuhay at naisasadula at naipapakita sa magandang paraan, na ang tanging magagawa nalang ng mga manonod na umupo, manuod at abangan ang mga susunod na kabanata.

Ang mga astistang asyano na singkit ang mga mata at may makikinis na balat ay mukhang dayuhan sa ating paningin ngunit pamilyar. Pamilyar ang mga ito dahil madalas na nakakakita o nakikipag usap ang mga Pilipino sa mga Intsik, Koreano at Hapon lalong lalo na sa mga lugar na urban. Ang mga magaganda at gwapong may magagandang katawan na artista sa mga Asianovela ay nagpapakita ng bago sa mata ng mga manonood. Ang kwento ng mga dramang ito ay maiksi at hindi komplikado o paikot-ikot kaya ang mga manonod ay patuloy na tumatangkilik dito.

Nakakuha ng datos ang mga mananaliksik mula sa PEP entertainment ng mga palabas na nanguna simula ng maipalas ang mga ito. Ang pagkakasunod-sunod ng mga antas nila ay mula sa mga rating ng mga istasyon sa telebisyon at sa mga madalas pinag uusapan ng mga tao.


1. Meteor Garden: Marinig lamang ang salitang “F4” ay alam na kaagad ang nangunguna sa listahan. Ang F4 ay naka agaw ng mga atensyon ng manonood dahil sa kanilang musika at itsura. Isama pa dito si Barbie Shu na mayroon ring taglay na talento. Ang meteor garden ay unang ipinalabas sa Pilipinas ng ABS-CBN at ang mga una nitong kabanata ay talagang sumikat kaya nagbigyan ito ng titulong pinaka madalas na pinapanood sa telebisyon.
Ang Meteor Garden ay tungkol sa isang mahirap ngunit matapang na babae na si San Chai (Barbie Shu) na nag-aaral sa Ing Te University, isang unibersidad para sa mga mayayaman na pinamumunuan at sinusuportahan ng pamilya ng F4. Si San Chai at ang F4 ay nagkatagpo at doon nag simula ang kanilang kwento. Binatay ang Meteor Garden sa isang Japanese manga na “Hana Yori Dango” ( Boys over Flowers)


2. Jewel in the Palace: Dae Jang Geum o Jewel in the Palace ang nakuha ng ikalawang pwesto. Ang palabas na ito ay ginawa ng South Korean TV channel na MBC noong 2003. Ang Jewel in the Palace ay nakilala sa Pilipinas noong Nobyembre 2005 sa GMA-7 at kinilala bilang may pinakamatas na ratings na korenovela noong mga panahon na iyon. Dahil sa kasikatan nito ang palabas na ito ay inulit muli at nakakuha pa rin ng mataas na ratings.
Ang Jewel in the Palace ay nakatuon kay Jang Geun (Lee Young Ae), bilang unang royal na babae doctor noong Joseon Dynasty sa Korea. Ang tema na palabas na ito ay ang pagpapakita ng kulturang Koreano kasama na dito ang royal court, pagkain at medisina.









3. Lovers in Paris: Ito ay unang ipinalabas noong summer ng 2004 sa SBS studio. Ang Lovers in Paris ang isa sa tatlong drama na ginawa sa Europa. Ang pangalawa ay Lovers in Prague at ang pangatlo ay Lovers.

Ang ABS-CBN ang nakakuha ng karapatan para maipalabas ang Lovers in Paris sa Pilipinas noong 2005. Nagsimula itong makakuha ng 27.1 na rating sa una nitong pagpapalabas, akala ng mga tao ay hindi ito sisikat hanggang sa nagkaroon ito ng rating na 36% matapos ang isang lingo. Ito ay isang instant hit sa mga tagasubaybay, ang may pinakamataas na rating sa panahong iyon. Ang pinaka mataas na nairecord nitong rating ay 39.7%. Ang ABS-CBS ay ipinalabas din ito sa kanilang international TFC noong 2007 at ito ay naging unang hindi galing sa Pilipinas na palabas na kanilang ipinakita.
Ang Lovers in Paris ay tungkol kay Han Ki-Joo, presidente at anak ng CEO ng GD Motors. Tumira sya sa Paris sa loob ng dalawang taon matapos ang hindi matagumpay na kasal. Siya ay isang matalino at mabait na lalaki na naghahada upang pumalit sa kanyang ama bilang chairman. Hanggang sa nakilala nya si Kang Tae-Youn, anak ng isang Fild director. Nagtatrabaho siya bilang tagalinis para kay Han Ki-Joo para kumita. Ang kanyang positibo at happy-go-lucky na ugali ang nagugustuhan sa kanya ng mga tao. Ang mga kakaibang pangyayari at pagkikita ang nagtulak kay Han Ki-Joo at Kang Tae-Young upang maging malapit sa isa’t isa.







4. Stairway to Heaven: Ito ay mula sa SBS at ipinalabas bago matapos ang 2003 at kakasimula pa lamang ng 2004.
Ang unang lingo ng Stairway to Heaven ay nakakuha lamang ng mababang rating (20%) sa GMA-7 dahil sa isa pang Korean drama na Lovers in Paris na pinapalabas sa ABS-CBN. Ang mga manonood ng palabas na ito ay tumaas noong natapos ang Lovers in Paris. Ang Stairway to Heaven ay nagkaroon ng 40% ratings.

Noong 2006, ipinalabas muli ng GMA-7 ang Stairway to Heaven ngunit sa umaga ito ipinapalabas. Ito ay inuulit muli sa Q, ang sister channel ng GMA-7 sa gabi.

Ito ay tungkol sa matalik na magkaibigan na si Song Joo at Jung Suh. Ang kanilang pagkakaibigan ay dahan-dahang natuloy sa pag iibigan. Ngunit dahil sa kapalaran umalis si Song patungong U.S. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik sya sa naghihintay na si Jung, ngunit ang kanyang pag-ibig na nag-iba sa selos ng isang babae na nagpagulo sa buhay ni Jung.






























5. Full House: Ito ay isang drama-comedy na nagpapakita ng sitwasyon ng dalawang tao na ikakasal lamang sa papel. Ang kakaibang mga pangyayari ay parang naging sumpa kay Han Ji-Eun noong nalaman nya na ang kanyang mga kaibigan ay niloko sya sa pagbibenta ng kanyang bahay sa isang papasikat na artista na si Lee Young-Jae. Noong kinausap siya ni Han, pumayag si Lee na pwede nyang pang makuha ang bahay nya kapag nagtrabaho ito bilang katulong para sa kanya. Dahil sa hindi pagkakaintindahan at sa pagsubok na pagselosin ang girlfriend nito, nag propose sya kay Han na may kontratang anim na buwang kasal. Habang tumatagal, ang madalas na nag-aaway na magkasambahay ay dahan-dahang nagmahalan.
Nagsimula ang Full House sa Pilipinas noong 2005 sa GMA-7. Sinasabing ito ay nagkaroon ng pinakamataas na ratings na 52.0% na lalo pang nagkaroon ng maraming manonood.






























































6. Princess Hours: Ang Princess Hours kilala rin sa tawag na Palace Love ay isa ring comedy-drama galing sa Korea. Ito ay naging pinaka sikat sa Korea noong 2006 sa ilalim ng Munhwa Broadcasting Corporation pumangalawa lamang ang Jumong. Ayon sa TNS Media Research, ang Princess Hours daw ang ika-10 sa pinaka sikat ng drama noong 2006. Kaya ang ikalawa nitong kabanata ay ginawa ngunit ang kontrobersya sa palabas na ito ay nagtulak sa pagkakakansela nito.
Ang Princess Hours ay ipinalabas sa Pilipinas sa ABS-CBN noong Disyembre 2006. Pinalitan ng ABS-CBN ang pangalan ng mga gumaganap dito upang maganda pakinggan sa mga manonood na Pilipino.


Ang finale ng palabas na ito ay ipinalabas ng dalawang araw noong April 2007 na may special episode na may pamagat na Princess Hours: The Royal Special. Ito ay kunyaring Korea na pinamumunuan ng isang Royal Family, ang Princess Hours ay tungkol sa buhay ng isang Crown Prince at ang kanyang bagong asawa.






























































































































7. Endless Love: Autumn in my Heart: Ito na marahil ang maka-durog pusong Korean drama, ang Endless Love: Autumn in my Heart ay ang una sa apat na serye na umiikot sa apat na panahon sa isang taon. Ito ay ginawa ng KBS sa Korea noong 2000. Pinalabas ito ng GMA-7 sa Pilipinas bago matapos ang 2003. Ang dramang ito ay talagang sumikat kaya pinalabas itong muli ng GMA-7 ng dalawa pang beses noong 2004. Ang Endless Love ay sinasabing nagpasimula ng penomenong Koreanoveal sa bansa.
Ito ay tungkol sa dalawang teenager na si Johnny at Jenny na magkapatid hanggang sa malaman nila na hindi pala sila magkadugo. Nagkaroon si Jenny ng isang pagtatalo ng kanyang tinuturing na ina at iyon ang nagtulak sa kanya na umalis sa kanila upang hanapin ang kanyang tunay na mga magulang. Si Johnny at ang kanyang mga magulang ay umalis na papuntang US matapos ang nangyari. Para kay Jenny ito ay isang trahedya matapos ang isa pang trahedya ng malaman niya na ang tunay nyang ama ay patay na at ang kanyang tunay na ina at kapatid na lalaki ay naghihirap. Si Jenny ay kumikita bilang isang tagasagot ng telepono. Nagkaroon ng hindi inaasahang pagkikita nang bumalik si Johnny mula sa US makalipas ang sampung taon. Ito ay isang kwento ng mga nakakaiyak na pangyayari na pwedeng ikaiyak ng mga manonood.






























































































































































































































































8. Endless Love: Winter Sonata: Ang Winter Sonata na ipinalabas noong 2002 ay ang pangalawa sa mga Endless Love na serye, ngunit nakatuon naman ito sa isang bagong kwento. Tulad ng sa nauna, ang Winter Sonata ay tungkol sa malungkot na kapalaran ni Jung Yujin at Joong Sang, na nagkakilala sa isang makabuluhang pangyayari.
Ang GMA-7 ang nakakuha muli ng karapatan upang ito ay maipalabas muli, ito ay nakapaghikayat ng maraming manonood sa nakakaiyak nitong kwento at madramang climax.






























































































































































































































































































































































































































































































































9. My name Is Kim Sam Soon: Ang Kim Sam Soon ay ginawa ng MBC TV noong 2005 at ito na marahil ang pinaka malaking nangyari sa isang koreanovela dahil ang finale nito ay nagkaroon ng rating na 50.5% sa mga koreanong manonood. Ang tagumpay nito ay mula sa katotohanang nakatuon sa buhay ng isang mataba, single at medyo matanda nang babae. Ito ay ginanapan ni Kim Seon-Ah na nakakuha ng suporta ng halos bawat middle aged na mga babae sa Korea. Sinasabing nagdagdag siya ng 15 pounds para sa kanyang role.
Ito ay tungkol sa buhay ng isang middle-aged na babaeng si Kim, anak ng isang may-ari ng gilingan ng bigas. Ang kanyang pagmamahal sa pag babake ang nagbigay sa kanya ng trabaho sa isang malaking French restaurant kung saan nya nakilala ang kanyang masungit na amo na si Mr. Hyun. Kahit na sila ay talagang magkaiba, sila ay nagkaibigan.






























































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































10. Jumong: Ang Jumong ay isa pang drama mula sa MBC TV. Pinalabas ito sa Korea noong May 2006 at ang una nitong kabanata ay nagbigay dito ng ikatlong antas sa mga rankings. Ito ay isang historical na drama tungkol kay Jumong Taewang, na nakatira sa isang matangdang imperyo ng Gojoseon. Ang Gojoseon ay bumagsak sa imperyong Han ng China at nakasalalay kay Jumong upang talunin ang mga kalaban. Dahil sa ilang historical na tala ang nakita sa buhay ni Jumong, ang mga taga-gawa nito ay nakita ang malikhaing kwento nito. Ang mga alamat na nakapaloob sa mga pangunahing tauhan ang lalo pang nagpaganda sa kwento nito. Ang mga alamt na ito ng mga pangunahing bida ay kinailangang palitan ng mga makatotohanang pangyayari tulad ng isang pangyayaring may kinalaman sa kanyang kapanganakan.
Ang palabas na ito ay nagkaroon ng pinakamataas na ratings na 52.7% sa Seoul. Sa buong Korea nagkaroon ito ng ratings na 51.9%.

Nagsimula ang Jumong sa Pilipinas noong 2007. Ito ay sumikat kaagad dahil sa historical nitong halaga at mga magagandang labanan. Ngunit ang mga katangiang ito ay hindi sapat para sa Jumong upang makuha nag pinakamataas sa laro ng mga ratings. Ito ay nakakuha lamang ng 20% hanggang 25.3%, panglima o pang anim sa sampu ng mga palabas tuwing gabi. (AGB Nielsen)

Pitong taon na ang nakalipas nang magsimula ang phenomenal na pagdating ng mga Korean, Taiwanese at Japanese drama sa ating bansa at sa kasalukuyang panahon. Mayroon pa ring iilang mga pinapalabas ngayon sa ating bansa ngunit kakaunti lamang nang kanilang bilang at hindi na masyado itong sikat sa mga manonood. Mas sumisikat na rin ngayon ang mga lokal nating palabas na nagpapatunay lamang na gumaganda na lalo ang ating mga drama sa bansa.






























































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































Ito ang naging resulta ng survey na isinagawa ng mga mananaliksik upang malaman ang naging epekto sa kanila ng mga Taiwanese, Japanese at Korean dramas.





























































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































Graph A

Graph A. antas at dami ng bilang ng mga Pilipino na nanunuod ng
Taiwanese, Korean at Japanese drama.









































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































Ayon sa survey na isinagawa ng ilang mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, lumabas na mas malaki ang bilang ng mga kababaihan na nanunuod ng mga Taiwanese, Korean at Japanese drama kaysa sa mga kalalakihan. Karamihan pa sa mga ito ay mga kabataan sa edad na 11 hangang 21 taong gulang. Samantala pumapangalawa ang mga Pilipinong nasa sa edad na 31 hanggang 44 taong gulang. Marahil siguro sa katotohanang mas malaki ang nararamdaman nilang responsibilidad sa kanikanilang mga pamilya at ang pagkakaroon nila ng mga gawain sa kanilang trabaho kaya nababawasan ang kanilang libreng oras. Makikita din sa graph A sa itaas na merong pinakakaunting bilang ang mga Pilipinong napapaloob sa edad na 51 pataas. Dala na marahil ito sa pagtanda o sa kawalang interes na rin sa panunod ng telebisyon. Ito ay isa lamang sa mga patunay na malaki ang ambag ng mga manonood sa industriya ng telebisyon.






















Graph B
Graph B. resulta ng impluwensya ng panunuod ng mga Taiwanese, Korean at Japanese drama












Pinapakita ng graph B sa itaas ang antas ng mga bagay na naging impluwensya ng panonood ng mga Taiwanese, Korean at Japanese drama. Ayon dito, ang pinakanakakaimpluwensya sa mga Pilipino ay ang mga dayuhang pagkain. Lalo kasing dumami at mas nakilala ang mga banyagang restaurants sa bansa. Mga halimbawa ng mga nasabing pagkain ay ang noodles at dumplings na nakuha sa mga Chinese at ang sushi at tempura na nakuha sa mga Japanese. Dahil nga masasarap ang mga ito, mabilis itong naging patok sa mga Pilipino. Pumangalawa naman ang fashion o mga istilo ng buhok at pananamit. Sa panahon ngayon, marami na rin makikitang mga Pilipino lalo na sa mga pook urban na may suot-suot ng mga damit na hindi sa Pilipinas ginawa. Meron ding mga nagsusuot ng mga Chinese at Japanese tradisyunal costumes madalas ginagamit ito ng mga tao sa tanghalan o kahit na mga estudyante. Marami na ring makikitang mga kabataan na may mga kulay ang buhok. Sikat kasi iyon sa mga bansa tulad ng China at Japan. Pumangatlo naman ang mga produkto na galing sa mga nasabing bansa. Marami na kasi ang nag-aangkat ng mga electronic at kultural na produkto na gawa sa iba kalapit bansa. Mas ginagamit sila ngayon kaysa sa mga lokal na produkto. Halimbawa ng mga nasabing produkto ay ang Chinese tea sets at jewelry na kultural at Japanese tv sets at video games na electronic. Sumunod ay ang musika na kahit papaano ay pumatok sa panlasa ng mga Pilipino. Ayon nga sa mga nagsagot ng survey ay catchy daw kasi at may masayang tono ang mga theme songs ng mga Asianovelas kung kaya magaan pakinggan at kantahin. Isang halimbawa nito ay ang theme song ng meteor garden na “Can’t lose you” ng F4, kahit na nasa wika itong Chinese ay madali itong nasasabayan ng mga Pilipino at naisalin pa ito sa kanilang wika dala na rin ng kasikatan nito.

Ito ang ilan sa mga larawan na nagpapatunay ng Asian Invasion hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.































































































BAKIT PATOK ANG MGA ASIANOVELAS SA MGA PILIPINO? Ito ay ayon sa mga karagdagang impormasyon na aming nakalap sa aming pagrereseach. Mula ito sa mga tumatangkilik ng palabas

















-maganda ang storyline
-mapapatawa ka, mapapaiyak, mapapaisip, at mapapamal sa mga characters
-kahit na puro mga happy-ending types sila, mas entertaining sila panoorin kaysa sa ating mga lokal na palabas
-walang masyadong mga heavy scenes kaya magaan siya sa kalooban
-maraming mga nakakakilig na mga scenes
-may unique charm and appeal sa tao
-addictive, hindi ka magsasawa kahit ilang beses mo na siya napanood
-charismatic yung mga characters
-maganda yung mga theme songs
-asian pop cultural norms, from clothing, melodramatic behavior, to personality types
-new asian haircuts, asian fashions, a quirkiness often found in asianovelas (readily apparent)
-draws out emotional moments
-reflection of asian daily-life parental behavior, kinds of part-time jobs worked, youth vocabulary
-active reinterpretation and inclusion of asian pop elements ang nagbibigay ng mga appeal sa mga asianovelas
-influences of the development of asian cultural trends
-mannerisms, etiquette, music
-consumer products (electronic and cultural)
-afternoon delight, light and romantic comedy, catchy, intriguing (unforgettable ending), intense
-paminsan, may mga moral lessons na binibigay

















III. Big Pangwakas

A. Small Pangwakas
Base sa mga datos na nakalap, mapapatunayan ng nagkaroon ng malaking epekto ang pagdating ng mga Taiwanese, Korean at Japanese dramas hindi lamang sa industriya ng telebisyon kundi pati na rin sa mga gawi ng mga tao. Nagsilbi ang mga artistang gumaganap dito na idolo ng mga tagasubaybay. Ang pagdating ng mga palabas na ito ay nagbukas sa pagtanggap ng mga Pilipino sa mga dayuhang gawi. Masasabi ng mga mananaliksik na wala naming masamang naidulot ang pagdating ng mga palabas na ito sa ating bansa. Tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino ang palabas na sariling atin lalo na ngayon at mapapansin rin nating lumiliit na ang bilang ng mga palabas na ito sa ating bansa. Ibig lamang nitong sabihin na nagbago ang paraan ng pagpapalabas ng mga Pilipino sa kanilang sariling drama na mas nagustuhan naman ng mga manood. Masasabi ng mga mananaliksik na nasakop tayo ng mga dayuhang ito sa paraang hindi masama dahil hindi naman nagbago ang pagtingin ng mga Pilipino sa Pilipinas kahit dumagsa pa ang mga palabas na ito. Marahil ay ito lamang ay nauuso kung kaya ang mga Pilipino ay nakikibagay.

B. Kongklusyon
Ang mga asianovela ay palaging may lugar sa industriya ng telebisyon dito sa Pilipinas dahil sa taglay nitong kakaibang pagkukwento. Ang mga dramang ito ay nananatiling tapat sa kanyang kwento simula sa umpisa hanggang sa ito ay matapos. Nagpapakita ito ng iba’t ibang emosyon at madalas ay nagpapakita ng kanilang mga tradisyon at aral na maari nating magamit sa ating sarili. Hindi magtatagal ay mawawala rin ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa mga palabas na ito. Ang ating mga manunulat sana ay makakuha ng ideya upang mas lalo pang mapaganda ang ating mga palabas na ipinapakita ng mga Asianovelas.
































C. Rekomendasyon
Hindi masama ang pagtangkilik sa isang bagay o sa mga programa sa telebisyon. Hindi rin masama ang pag iidolo sa mga gawi ng mga dayuhan ngunit dapat alam natin ang ating limitasyon. Dapat natin laging ilagay sa puso at isip na tayo ay Pilipino ano man ang mangyari kung kaya’t dapat natin itong ipagmalaki. Sa padating ng mga dayuhan sa ating bansa sa halip na tayo ay masilaw sa mga makabagong mga bagay na kanilang dala ay dapat gumawa tayo ng paraan upang mag iwan din tayo ng mga ganoong uri ng marka. Sa halip na tayo ay makontento na lamang sa ating kalagayan ngayon ay dapat na ibahagi natin ang ating mga bagong kaalaman o natutuklasan sa ating bansa na makakatulong hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa ating sarili bilang Pilipino.

Sanggunian:
http://www.pep.ph/top/14938/Top-Asianovelas-since-the-year-2002
forums.abs-cbn.com
http://www.asiafinest.com/
en.wikipedia.org/wiki/Ako_si_Kim_Samsoon
ABC’s “Person of the Week”: by Stephanie Greco Larson and Martha
Bailey; J&MC Quarterly. Vol. 75, No.3. Autumn 1998
en.wikipedia.org/wiki/My_Girl_(Philippine_TV_series

Pasasalamat:
Nais pasalamatan ng mga mananaliksik ang Panginoon dahil sa talino na ibinigay nito sa kanila. Ang kanilang mga magulang at kapatid sa suportang ibinigay nila at higit sa lahat ay ang kanilang propesor sa asignaturang Filipino na nagturo sa kanila kung paano gumawa ng isang maganda at epektibong papel pananaliksik.

No comments:

Post a Comment